Project H.E.A.R.T. ng RMFB 11, muling umarangkada sa Davao Oriental

0
18

Muling umarangkada ang Project H.E.A.R.T. (Honesty, Empowerment, Accountability, Respect, and Teamwork) ng mga tauhan ng 1103rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 11 kasabay ng pagdaraos ng Barangay Sta. Felomina, Cateel, Davao Oriental nito lamang Agosto 10, 2026.

Sa pangunguna ni Police Captain Alkie J Salih, Officer-in-Charge ng 1103rd Maneuver Company, RMFB 11, nagbahagi ng kaalaman, nakipagkuwentuhan, at naghatid ng saya sa mga bata ang pulisya.

Kasabay ng naturang aktibidad ang pagpapasinaya at pagbabasbas sa bagong-tayong Mess Hall ng 1103rd Maneuver Company.

Naging mahalagang bahagi ito ng okasyon bilang panibagong milestone sa naturang yunit na sumisimbolo sa pagkakaroon ng mas maayos, ligtas, at suportadong kapaligiran para sa mga tauhan nito.

Isinagawa ang Project H.E.A.R.T. na naglalayong magsulong ng ligtas na mga paaralan at komunidad, bigyang-kapangyarihan ang mga bata, at higit pang patatagin ang ugnayan at pakikipagtulungan sa pagitan ng kapulisan at ng mamamayan, na layunin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply