Ilocos Norte PPO, matagumpay na tinapos ang pagdiriwang ng 31st PCR Month

0
87

Matagumpay na isinagawa ng Ilocos Norte Police Provincial Office (INPPO), sa pangunguna ni PCOL Joemar Q. Labiano, Provincial Director, ang culminating activity ng pagdiriwang ng 31st Police Community Relations (PCR) Month, bilang pagtatapos ng isang buwang kampanya para sa mas matibay na ugnayan ng pulisya at komunidad noong Hulyo 31, 2026.

Naging panauhing pandangal at tagapagsalita si Atty. Joseph O. Apolonio, Provincial Officer ng NAPOLCOM Ilocos Norte, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng komunidad at ng kabataan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.

Isa sa mga tampok ng programa ang pagkilala sa mga natatanging pulis para sa kanilang mahusay na paglilingkod, gayundin ang paggawad ng parangal sa mga nagwaging KKDAT Chapters sa Advocacy Video Making Contest bilang pagkilala sa kanilang malikhaing pagsusulong ng kamalayan at positibong partisipasyon ng kabataan sa komunidad.

Sa pagtatapos ng programa, muling pinagtibay ng Ilocos Norte PPO ang kanilang pangako na ipagpatuloy ang pakikipagtulungan sa mamamayan tungo sa isang mas ligtas, nagkakaisa, at matatag na lalawigan, alinsunod sa adhikain ng Pambansang Pulisya na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: Ilocos Norte MPS

Leave a Reply