Friday, May 17, 2024

Ilegal na baril at droga, nakumpiska mula sa dalawang indibidwal 

Walang kawala ang dalawang indibidwal matapos makumpiskahan ng ilegal na baril at droga ng Banga Municipal Police Station sa Purok Katipunan, Barangay Reyes, Banga, South Cotabato nito lamang Abril 29, 2024.

Ayon kay Police Brigadier General Percival Augustus P Placer, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang mga suspek ay kinilalang sina alyas “Richie”, 41, may asawa, residente ng  Barangay General Paulino Santos, Koronadal City at si alyas “Anton”, 24, na residente naman ng Zone IV, Koronadal City.

Ayon sa ulat, nagsumbong sa naturang istasyon ang may-ari ng sasakyan na nirerentahan ng dalawang suspek dahil hindi nila binalik ang naturang sasakyan kung saan nang maaktuhan ang suspek ay agad silang nagsagawa ng body search at dito ay nakumpiska nila ang isang yunit ng cal. 38 revolver na may tatlong bala, isang malaki at maliit na cellophane ng tuyong dahon na pinaghihinalaang marijuana at isang maliit na plastic sachet ng shabu.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at kasong may kinalaman sa droga.

Bilang pagsuporta sa programa ng Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. sa pakikipaglaban sa problema ng ilegal na droga, ang buong kapulisan ay patuloy na paiigtingin ang paghuli sa mga taong nagpapalaganap ng ipinagbabawal na gamot upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng komunidad.

Panulat ni Pat Flora Mae P Asarez

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,140SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles