Ifugao PNP, nakiisa sa isinagawang community outreach program sa San Fernando, Banaue

0
110

Nakiisa ang mga tauhan ng Ifugao PNP sa isinagawang Community Outreach Program na ginanap sa San Fernando, Banaue, Ifugao kaugnay sa Puro Kalusugan Activity, nito lamang Mayo 28, 2026.

Ang aktibidad ay inorganisa ng Municipal Health Office (MHO), sa pakikiisa ng Barangay Local Government Unit (BLGU) ng San Fernando, katuwang ang kapulisan ng 2nd Ifugao Provincial Mobile Force Company, at Ifugao Provincial Headquarters na naglalayong ilapit ang mahahalagang serbisyo sa mga residente.

Bilang pagsuporta sa aktibidad, boluntaryong nagsagawa ng information drive ang mga kapulisan patungkol sa drug awareness, prevention of alcohol abuse, at public safety, mga hakbang sa kaligtasan upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa loob ng komunidad na pinangunahan ni PCMS Johnson Lloyd B. Chulipa.

Dagdag pa dito, nagbigay din ng libreng gupit sa mga lokal na residente ang mga kapulisan, na isang simple ngunit makabuluhang aksyon na lubos ding pinagpapasalamatan ng mga residente.

Patuloy ang 2nd Ifugao PMFC sa pagpapalawak ng kaalaman at pagpapatibay ng relasyon ng kapulisan at mamamayan at hindi lamang bilang mga tagapagpatupad ng batas kundi bilang aktibong katuwang sa pagtataguyod ng kalusugan, kaligtasan, at pangkalahatang kapakanan tungo sa isang maayos, payapa, at maunlad na Bagong Pilipinas.

Source: Dos Ifugao Pmfc

Leave a Reply