Ifugao PNP, naghatid ng ngiti at pag-asa sa mga mag-aaral sa Lagawe

0
29

Naghatid ng malasakit at serbisyo ang Ifugao Police Provincial Office, sa pamumuno ni PCol Jeremias G. Oyawon, Provincial Director, sa mga batang mag-aaral ng Child Development Center sa Barangay Pulaan, Lagawe, Ifugao sa pamamagitan ng isang outreach program noong Hunyo 19, 2026.

Isinagawa ang programa sa pangunguna ng 1st Ifugao Provincial Mobile Force Company sa ilalim ni PLtCol Dwight L. Fagyan, Force Commander, katuwang ang Police Community Affairs and Development Unit (PCADU) sa pamumuno ni PLtCol Jeffrey B. Vicente, Chief PCADU, at ang Barangay Local Government Unit ng Pulaan na pinamumunuan ni Hon. Michael Patnaan, Barangay Chairman.

Sa isinagawang aktibidad, nabigyan ng saya at pag-asa ang mga bata at kanilang pamilya sa pamamagitan ng feeding program, gift-giving activity, at libreng gupit. Bagama’t simple ang mga inisyatiba, nagbigay ang mga ito ng makabuluhang karanasan na nagpakita ng tunay na diwa ng serbisyong may malasakit.

Patuloy na isinusulong ng Ifugao PNP ang mga programang nakatuon sa kapakanan ng mamamayan bilang pagpapakita ng kanilang dedikasyon sa serbisyo publiko, kaakibat ang adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: Ifugao PPO

Panulat ni Pat Cristina D Tapo

Leave a Reply