Sunday, May 19, 2024

Iba’t ibang uri ng baril at bala, narekober ng CDO PNP

Iba`t ibang uri ng mga baril at bala ang narekober ng Cagayan de Oro City PNP sa isang paupahang bahay sa Barangay Bugo, Cagayan de Oro City nitong ika-2 ng Mayo 2024.

Ayon kay Police Major Sabino Labitad, Hepe ng Cagayan de Oro City Police Station 6, nagpunta mismo ang may-ari ng paupahang bahay kasama ng mga Barangay Officials sa kanilang tanggapan para i-report ang mga nadiskubreng mga armas sa loob ng paupahan.

Sa pagresponde ng mga tauhan ng Cagayan de Oro City Police Station 6 ay tumambad ang iba’t ibang uri ng mga baril at napag-alaman na ang umuupa sa bahay ay umalis ng walang pasabi na hindi nagbayad mula pa noong Oktubre 2023.

Narekober ng mga awtoridad ang limang 9mm Rock Island Armory model na may serial numbers at may mga magasin at limang Shotgun Rock Islang Armory model na may serial numbers at mga bala.

Ang mga narekober na mga baril at bala ay nasa kustodiya na ng Cagayan de Oro CPS 6 para sa tamang disposisyon at pagkatapos ay dadalhin ito sa Regional Forensic Unit para sa Ballistic Examination at Regional Civil Security Unit 10 para sa beripikasyon nito.

“Sa mas pinaigting na kampanya ng inyong kapulisan laban sa ilegal na armas, kami ay nananawagan sa lahat ng firearm holders/owners na maging responsable at maagap sa pag-renew ng inyong lisensya. Ang anumang paglabag ay hindi kukunsintihin kundi ito ang magiging sentro ng operasyon ng inyong kapulisan. Dahil sa Bagong Pilipinas, ang Gusto ng Pulis, Ligtas ka!” panawagan ni Police Brigadier General Ricardo G Layug Jr., Regional Director, Police Regional Office 10.

Panulat ni Pat Fajardo

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,140SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles