Hinihinalang drug den, nabuwag ng PNP, PDEA, at Coast Guard sa Legazpi City; tatlong suspek, arestado

0
376
Screenshot

Tatlong suspek ang naaresto matapos mabuwag ang hinihinalang drug den sa isinagawang pinagsanib na operasyon ng Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Coast Guard, noong Nobyembre 8, 2026, dakong alas 5:55 ng hapon sa Legazpi City, Albay.

Nakumpiska sa operasyon ang humigit-kumulang 19.7 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php133,960 batay sa Standard Drug Price.

Kabilang sa mga naaresto sina alyas “Pablo,” isang drug personality; “Sheila,” 59 taong gulang, at “Joey,” 39 taong gulang, na pawang pinaghihinalaang sangkot sa operasyon at mga aktibidad sa naturang drug den.

Bahagi ng operasyon ang Legazpi City Police Station, katuwang ang Albay Provincial Intelligence Unit, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Albay Provincial Office, ang operasyon sa pakikipagtulungan ng PDEA Regional Office 5, at Coast Guard Intelligence Unit–Albay.

Narekober sa isinagawang buy-bust operation ang isang sachet ng hinihinalang shabu na ginamit sa transaksiyon, gayundin ang iba pang hinihinalang ilegal na droga na nakita sa lugar. Nakumpiska rin ang iba’t ibang drug paraphernalia, kabilang ang aluminum strips na may bakas ng hinihinalang droga, aluminum foil, gunting, lighter, improvised tooter, cellular phone, at buy-bust money.

Masusi namang isinagawa sa lugar ng operasyon ang pagmamarka, pag-iimbentaryo, at pagkuha ng mga litrato sa mga nakumpiskang ebidensiya sa presensiya ng mga naarestong indibidwal at mga kinatawan mula sa Department of Justice/National Prosecution Service, barangay, at media. Nakatulong din ang paggamit ng Body-Worn Cameras upang matiyak ang wastong dokumentasyon at integridad ng mga ebidensiya.

Dinala sa PDEA Regional Office 5 ang mga naaresto kasama ang lahat ng nakumpiskang ebidensiya para sa kaukulang disposisyon at pagsasampa ng mga kasong paglabag sa Section 5, 6, 7, 11, 12, at 15, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ipinapakita ng matagumpay na operasyon ang patuloy na pagtutulungan ng mga ahensiya ng pamahalaan sa pagsugpo sa ilegal na droga at pagbuwag sa mga lugar na ginagamit sa pagbebenta at paggamit nito. Patuloy namang sinusuportahan ng Albay Police Provincial Office ang mga hakbang na naglalayong mapanatili ang kapayapaan, seguridad, at kaligtasan ng bawat mamamayan tungo sa isang ligtas at drug-free na Albay.

Panulat ni PCpl Doxie Charesse C Casasos

Source: https://www.facebook.com/share/p/1DVs6UpLqB/

Leave a Reply