“Gulong ng Pag-asa” ng 2nd Palawan PMFC, nagkaloob ng wheelchair sa senior citizen sa San Vicente, Palawan

0
210

Bilang bahagi ng best practice program na “Gulong ng Pag-asa,” matagumpay na nagkaloob ng wheelchair ang mga tauhan ng 3rd Platoon, 2nd Palawan Provincial Mobile Force Company (PMFC), katuwang ang Rotary Club of Roxas, si Mr. Felip Marqo Acosta, Civilian Volunteer for Persons with Disability (PWD), at ang Barangay Council ng Port Barton noong Hunyo 7, 2026 sa isang benepisyaryong nangangailangan ng tulong sa paggalaw.

Ang naturang wheelchair ay ipinagkaloob kay Ginang Nora Buriol, 63 taong gulang, biyuda at residente ng Barangay Port Barton, San Vicente, Palawan. Layunin ng programang “Gulong ng Pag-asa” na makapagbigay ng mga kagamitang pantulong sa mga Persons with Disability (PWD), senior citizens, at iba pang indibidwal na may limitasyon sa paggalaw upang mapagaan ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at mapabuti ang kanilang kalidad ng buhay.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng kapulisan at mga katuwang na organisasyon, nabigyan si Ginang Buriol ng agarang tulong na inaasahang makatutulong sa kanyang mobilidad at pangkalahatang kalagayan. Ang inisyatibang ito ay sumasalamin sa patuloy na malasakit ng kapulisan sa kapakanan ng mamamayan at sa pagsusulong ng mga programang nakatuon sa serbisyong makatao at inklusibo.

Patuloy na magsasagawa ang 2nd Palawan PMFC ng mga kahalintulad na aktibidad sa ilalim ng programang “Gulong ng Pag-asa” bilang bahagi ng kanilang dedikasyon sa paglilingkod at pagtulong sa mga nangangailangan sa komunidad, alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: SecondPalawan PMFC HQ

Leave a Reply