Escalante City PNP, nakiisa sa isinagawang Relief Operation sa mga apektado sa engkwentro sa Negros Occidental

0
274

Nakiisa ang mga tauhan ng Escalante Component City Police Station, sa pamumuno ni PLtCol Florendo L. Fajardo, Officer-in-Charge, sa isinagawang relief operation sa Udtongan Elementary School sa Barangay Udtongan, Escalante City, para sa mga pamilyang apektado sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng pamahalaan at NPA sa Toboso, Negros Occidental nito lamang April 21, 2026.

Nanguna sa aktibidad ang Local Government Unit (LGU) ng Escalante City, sa pamumuno ni Melecio J. Yap Jr., City Mayor, katuwang ang Provincial Government ng Negros Occidental.

Isinagawa ang relief operation kasunod ng naganap na encounter sa pagitan ng dalawang grupo sa Sitio Sinugmawan, Barangay Salamanca, Toboso, Negros Occidental.

Nakiisa rin sa aktibidad si Escalante City Vice Mayor Rogelio Prietos; mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod; focal person mula, City Social Welfare Officer; Marites V. Olorga, Local DRRM Officer IV; Reymar Rivera, Barangay Chairman ng Barangay Udtongan; at iba pang mga stakeholders.

Aabot naman sa kabuuang 74 pamilya, na binubuo ng 222 indibidwal mula sa Sitio Proper, Sitio Lawis, Sitio Dauis, at Sitio Rancho, na apektado ng naganap na sagupaan at pansamantalang naninirahan sa mga evacuation site.

Kasabay ng relief operation, nagsagawa naman ang mga kapulisan ng maikling dayalogo sa mga evacuees kung saan namahagi sila ng Information, Education, and Communication (IEC) materials, maging ng mga damit.

Matapos idineklara ng militar na ligtas na ang kanilang lugar, inabisuhan naman ang nasabing mga evacuees na maaari na silang magsipagbalikan sa kanilang mga tahanan.

Tiniyak naman ng Escalante City PNP na patuloy silang makipagtulungan sa mga militar at iba pang ahensya ng pamahalaan para sa pagpapanatili ng kaligtasan at kapayapaan sa buong lungsod.