Matagumpay na naaresto ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) ang anim na wanted individuals, kabilang ang dalawang most wanted persons, sa magkakahiwalay na manhunt operations na isinagawa noong Abril 23, 2026 sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.
Sa Cabanatuan City, naaresto ng mga operatiba ng Cabanatuan City Police Station ang isang 28-anyos na lalaki na kabilang sa city’s most wanted persons sa Brgy. Mayapyap Norte. Nahaharap siya sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 at may inirekomendang piyansang Php200,000.
Sa Science City of Muñoz, sabayang operasyon ng Muñoz City Police Station at 4th FOB, 2nd PMFC, NEPPO ang nagresulta sa pagkakadakip sa isa pang most wanted person, isang 39-anyos na lalaki mula Brgy. Catalanacan, na may kasong paglabag sa BP 22 sa apat na bilang.
Samantala, apat pang wanted individuals ang naaresto ng Bongabon MPS, Gen. Tinio MPS, Talavera MPS, at Science City of Muñoz PS kaugnay ng iba’t ibang kaso tulad ng BP 22, Direct Assault, Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610, at paglabag sa RA 11313 o Safe Spaces Act.
Ayon kay PCol Ritchie R. Claravall, Provincial Director ng NEPPO, ipinapakita ng matagumpay na operasyon ang matibay na koordinasyon at dedikasyon ng mga yunit ng pulisya sa pagpapatupad ng batas. Alinsunod sa direktiba ng PRO3, patuloy ang pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad bilang bahagi ng adbokasiyang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”
Source: Nueva Ecija PPO



