Drug Suspect, arestado sa buy-bust sa Aguilar, Pangasinan

0
1026

Nadakip ng mga operatiba ng Aguilar Police Station ang isang bagong tukoy na drug personality sa isinagawang buy-bust operation dakong alas-2:10 ng madaling-araw ng Setyembre 9, 2025 sa Barangay Bocboc West, Aguilar, Pangasinan.

Kinilala ang suspek na si Alyas “Kanor,” 38 taong gulang, binata, at residente ng Padilla Gomez, San Carlos City, Pangasinan.

Ang operasyon ay pinangunahan ni PLt Zaldy P. Delos Santos, Intel/DEU Officer, sa direktang superbisyon ni PMaj Mark Ryan C. Taminaya, Officer-In-Charge.

Nakuha mula sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na tinatayang 4.4 gramo at may SDB value na humigit-kumulang Php29,920, at isang Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.

Inihahanda na ang kaso laban kay alyas ”Kanor” para sa paglabag sa Section 5, Article 2 ng Republic Act 9165 (Selling of Dangerous Drugs) at Section 11, Article 2 ng RA 9165 (Possession of Dangerous Drugs) na isasampa sa korte.

Source: Aguilar Police Station