Php102K halaga ng shabu, nasabat sa buy-bust ng Daraga PNP

0
682

Arestado ng mga awtoridad ang isang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga sa isinagawang operasyon ng Daraga Municipal Police Station sa pakikipagtulungan ng PDEA 5 na nagresulta sa pagkasabat ng Php102,000 halaga ng shabu noong Setyembre 9, 2025, sa Barangay Tagas, Daraga.

Ayon kay PLtCol Edgar E Azotea, Chief of Police, Daraga MPS, nasamsam mula sa suspek ang apat na pakete ng hinihinalang shabu na nakalagay sa transparent na sachet na may tinatayang halaga na Php102,000 sa merkado.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, partikular sa Sections 5 at 11 na may kaugnayan sa pagbebenta at pag-iingat ng iligal na droga.

Patuloy namang nagpapaalala ang Daraga PNP sa publiko na makiisa sa kanilang kampanya upang tuluyang masawata ang iligal na droga at iba pang uri ng kriminalidad.

Tiniyak din ng kapulisan na mas paiigtingin pa nila ang operasyon at presensya sa komunidad upang makamit ang hangarin ng isang mapayapa at ligtas na pamayanan sa Daraga.

Source: Daraga MPS Albay PPO

Panulat ni PSSg Mercolito P Lovendino Jr