Arestado ang isang drug offender sa isinagawang operasyon ng Candelaria Municipal Drug Enforcement Team sa Sitio Bacong, Barangay San Isidro, Candelaria, Quezon, October 23,2025.
Kinilala ang suspek na si alyas “Tony”, 40 taong gulang, na naaresto sa isinagawang operasyon kung saan nasamsam mula sa kanya ang tatlong (3) sachet ng hinihinalang shabu at isang (1) caliber 9mm na baril na may mga bala.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.
Ayon kay PCol Romulo Albacea, Acting Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office, patuloy ang pinaigting na pagpapatupad ng mga search warrant operations at iba pang hakbang ng pulisya upang labanan ang ilegal na droga at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.
“Hindi kami titigil hangga’t may natitirang sangkot sa ilegal na droga — sisiguruhin naming mananagot sa batas ang lahat ng lumalabag”.



