Drug-Free Workplace Reorientation and Awareness Seminar, isinagawa ng QPPO

0
34

Matagumpay na isinagawa ng Quirino Police Provincial Office (QPPO) ang Drug-Free Workplace Reorientation and Awareness Seminar noong Agosto 13, 2026 sa QPPO Pickleball Court, San Leonardo, Aglipay, Quirino.

Pinangunahan ni PCol Paul Y. Gamido, Provincial Director, ang naturang aktibidad na dinaluhan ng mga uniformed at non-uniformed personnel ng Quirino Police Provincial Office.

Layunin ng seminar na muling mapalalim ang kaalaman at kamalayan ng mga tauhan hinggil sa masamang epekto at mga kaparusahan sa paggamit ng ilegal na droga, gayundin ang kahalagahan ng personal na pananagutan, disiplina, integridad, at propesyonalismo sa pagpapanatili ng isang ligtas, malusog, at drug-free na lugar ng trabaho. Binigyang-diin din ang mahalagang papel ng bawat personnel sa pagpigil sa paggamit at paglaganap ng ilegal na droga sa loob ng institusyon.

Patuloy na pinagtitibay ng QPPO ang pangako nitong mapanatili ang isang drug-free na institusyon sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na edukasyon, pagpapalakas ng kamalayan, at sama-samang pananagutan, bilang bahagi ng paghahatid ng tapat, propesyonal, at may integridad na serbisyo sa komunidad.

Source: Quirino PPO Valley Cops

Leave a Reply