PGen Nartatez, pinangunahan ang Oath-Taking at Donning of Ranks Ceremony ng bagong star-ranked officers

0
42

Pinangunahan ni PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., Chief ng Philippine National Police (PNP), ang Oath-Taking and Donning of Ranks Ceremony para sa mga bagong na-promote na star-ranked officers noong Agosto 14, 2026 sa Bulwagang Lapulapu, Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City.

Kabilang sa mga pormal na tumanggap ng kanilang bagong ranggo sina PLtGen Wilson Joseph F. Lopez, Deputy Chief PNP for Operations, at PMGen Aden T. Lagradante, Director ng Civil Security Group. Ang kanilang promosyon ay pagkilala sa kanilang natatanging pamumuno, kakayahan, at dedikasyon sa paglilingkod, gayundin sa tiwalang ipinagkaloob sa kanila bilang mga nakatataas na lider ng organisasyon.

Binigyang-diin din ng seremonya ang kahalagahan ng patuloy na pagpapaigting sa PNP Focused Agenda bilang gabay sa pagsusulong ng pagbabago at pagpapalakas sa kakayahan ng organisasyon na maghatid ng propesyonal, responsable, at maagap na serbisyo sa mamamayan.

Sa ilalim ng pamumuno ni PGen Nartatez, inaasahang patuloy na maisusulong ng mga bagong halal na lider ang mga reporma at programang magpapatatag sa tiwala ng publiko sa PNP, tungo sa katuparan ng adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PNP-PIO

Leave a Reply