Nagpaabot ng malasakit at suporta ang mga tauhan ng Calasiao Municipal Police Station sa mga evacuee sa isinagawang maikling dayalogo sa Calasiao Evacuation Center noong Agosto 12, 2026.
Sa ilalim ng pangangasiwa ni PLtCol Daryl V. Nevado, Officer-in-Charge, nakipag-ugnayan ang mga pulis sa mga evacuee upang pakinggan ang kanilang mga saloobin at pangangailangan, gayundin upang magbigay ng mga salita ng pagpapalakas ng loob at katiyakan sa gitna ng kanilang nararanasang sitwasyon.
Bilang bahagi ng aktibidad, nagsagawa rin ang mga tauhan ng PNP ng film viewing na nagbigay ng pagkakataon sa mga evacuee na makapaglaan ng makabuluhang oras kasama ang isa’t isa at pansamantalang makaramdam ng normalidad at pagkakaisa sa evacuation center.
Patuloy namang ipinapakita ng Calasiao Police na ang kanilang tungkulin ay hindi lamang nakatuon sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad, kundi maging sa pagbibigay ng malasakit, suporta at serbisyo sa mga mamamayan, lalo na sa panahon ng pangangailangan.
Sa pamamagitan ng presensya, pag-unawa at tunay na pag-aalala sa kapakanan ng komunidad, nananatiling kaagapay ng Calasiao PNP ang mga mamamayan sa mga panahong higit na kinakailangan ang pagkakaisa, pagtutulungan at malasakit.
Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan
Source: Calasiao MPS



