DILG, nagkaloob ng 30 Unified 911 Emergency Response Motorcycles sa Quezon PPO

0
43

Pormal na ipinagkaloob ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang 30 Unified 911 Emergency Response Motorcycles sa lalawigan ng Quezon nito lamang October 7, 2026.

Ito ay bahagi sa pagpapatibay ng kakayahan ng Philippine National Police (PNP) sa lalawigan partikular na sa mobility at response capability nito sa panahon ng sakuna at iba pang mga insidente na nangangailangan ng agarang  police assistance.

Pinangunahan ang isinagawang turnover ceremony ni DILG Secretary, Juanito Victor C. Jonvic Remulla, kasama sina Quezon Governor Dr. Helen Tan; PNP Chief, PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr.; DILG Quezon Provincial Director Abigail Andres, at Quezon Police Provincial Office (PPO) Provincial Director, PCol Romulo Albacea.

Ang 30 bagong motorsiklo ay magsisilbing karagdagang mobility assets ng Quezon PPO na ipapamahagi rin sa mga istasyon ng pulisya sa buong lalawigan.

Bahagi ang inisyatibong ito sa patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na palakasin ang kahandaan ng Pambansanh Pulisya partikular na sa pagpapabilis ng oras ng pagtugon at tiyaking mas episyenteng makararating ang tulong o pagresponde sa mga komunidad lalo na sa mga panahong higit itong kinakailangan.

Sa pamamagitan ng nasabing mga karagdagang mobility assets at kahandaan, patuloy na pinagtitibay ng PNP ang kanilang pangako sa “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/1HnmQBWAf9/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply