Naaresto ang suspek sa na sangkot sa carnapping incident sa isinagawang checkpoint operation mg mga operatiba ng Police Regional Office 8 (PRO8), sa ilalim ng pangangasiwa ni PBGen Romano V Cardiño, Regional Director, sa Brgy. 94-Basper, Tacloban City nito lamang October 7, 2026.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Denz,” 18 anyos walang trabaho at residente ng Tacloban City na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10883 o ang “New Anti-Carnapping Act of 2016.”
Nabatid na naharang ng kapulisan ang suspek habang nagmamaneho ng isang itim na RUSI VOLT 125, na naunang iniulat na nawawala habang nakaparking lamang sa Brgy. 93-Bagacay, Tacloban City. Sa isinagawang beripikasyon, positibong kinilala ng may-ari ang nasabing motorsiklo.
Nanguna sa matagumpay na pag-aresto ang mga tauhan ng Tacloban City Police Office Police Station 2 (PS-2) katuwang ang Regional Highway Patrol Unit 8 (RHPU-8).
Bahagi ang operasyon sa direktiba ni Chief, Philippine National Police (PNP), PGen Jose Melencio C Nartatez Jr., na pagtibayin ang pagpapatupad ng police visibility, pagpapaigting ng mga law enforcement operations, at tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga komunidad sa buong bansa na nakabatay sa adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Kinilala naman ni PBGen Cardiño ang kahat ng mga operatiba na bahagi sa matagumpay na pag-aresto ng naturang suspek at tiniyak na hindi sila titigil sa pagsasakatuparan ng parehong mga programa sa buong rehiyon.
“Our intensified checkpoint operations are vital in preventing criminal activities and ensuring that stolen vehicles and those responsible for such offenses are promptly identified and apprehended. We will continue to strengthen police visibility and law enforcement efforts to keep our communities safe”, (Ang ating pinaigting na mga checkpoint operation ay mahalaga sa pagpigil sa mga kriminal na aktibidad at pagtiyak na ang mga ninakaw na sasakyan at ang mga responsable sa mga ganitong paglabag ay agad na matukoy at maaresto. Patuloy nating palalakasin ang police visibility at iba pang mga hakbang sa pagpapatupad ng batas upang mapanatiling ligtas ang ating mga komunidad),” saad pa niya.
Source: https://www.facebook.com/share/p/1FSm1UcBtx/?mibextid=wwXIfr

