Dating miyembro ng CTG, kusang-loob na sumuko sa Sarangani

0
150

Kusang-loob na sumuko sa mga awtoridad ang isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng pamahalaan sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon, noong Agosto 4, 2026, sa bulubunduking bahagi ng Purok Rattan, Barangay Lomuyon, Kiamba, Sarangani Province.

Kinilala ni Police Colonel Jerone Orville P Panganiban, Provincial Director ng Sarangani Police Provincial Office, ang sumuko na si alyas “Troy,” 24 taong gulang, may asawa, magsasaka, at residente ng Barangay Suli, Kiamba, Sarangani Province na napag-alaman na dating miyembro ng Communist Terrorist Group–Regional Operations Command (ROC), Far South Mindanao Region (FSMR).

Pinangunahan ang operasyon ng mga tauhan ng 2nd Sarangani Provincial Mobile Force Company (2nd SPMFC) sa pakikipag-ugnayan sa Kiamba Municipal Police Station, 1204th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 12 (RMFB 12), Maritime Group 12, RID Tracker Team Alpha 12, at Sarangani Police Provincial Office-Provincial Intelligence Unit.

Patuloy namang isinusulong ng Sarangani PNP ang adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” bilang patunay ng kanilang dedikasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa lalawigan.

Leave a Reply