Arestado ang isang lalaki sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Alamada Municipal Police Station sa ikinasang search warrant operation sa Barangay Bao, Alamada, Cotabato noong Agosto 6, 2026.
Kinilala ni Police Brigadier General Alan B Manibog, Acting Regional Director ng Police Regional Office 12, ang suspek na si alyas “Amba,” 34-anyos na lalaki, na nakuhanan ng isang Colt caliber .45 pistol na may nakakabit na magazine na kargado ng dalawang live ammunition, gayundin ng isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong marijuana
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Ang operasyong ito ay patunay ng ating patuloy na kampanya laban sa mga ilegal na armas at ipinagbabawal na droga. Mananatili tayong masigasig sa pagpapatupad ng batas upang mapanatiling ligtas ang ating mga komunidad na naaayon sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” ani ni PBGen Manibog.



