Dalawang kalalakihan, arestado ng Baggao PNP sa operasyon kontra iligal na pagtotroso

0
388

Arestado ang dalawang indibidlwal matapos ang matagumpay na operasyon ng mga awtoridad kontra ilegal na pagtotroso sa Baggao, Cagayan, noong ika-21 ng Hunyo 2025.

Pinangunahan ang operasyon ng Baggao Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Noriel U Lacangan, Officer-In-Charge, katuwang ang PIU Cagayan, 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company, at 204th Regional Mobile Force Battalion 2.

Nasabat ng mga operatiba ang isang kulay asul na Vesta van na kargado ng mga troso na walang kaukulang dokumento ng pinagmulan at pag-aari.

Bigo rin ang driver na magpakita ng kinakailangang dokumento para sa mga kargang kahoy na kinabibilangan ng Ilang-ilang at Kandong na may kabuuang sukat na 435 board feet (bdft) at tinatayang nagkakahalaga ng humigit-kumulang Php13,050.

Samantala, ang matagumpay na operasyon ng PNP Baggao ay isang mahalagang hakbang sa patuloy na laban kontra ilegal na pagtotroso. Ito ay nagpapakita ng dedikasyon sa pangangalaga ng kalikasan at pagtitiyak na mananatiling ligtas at masagana ang ating likas na yaman para sa mga susunod na henerasyon.

Source: Baggao Police Station

Panulat ni Pat Wendy G Rumbaoa