Arestado ang lalaking wanted sa kasong Child Abuse ng mga operatiba kapulisan ng Technical Support Company ng Regional Mobile Force Battalion 7, noong ika-22 ng Hunyo sa Purok Judas Belt, Barangay Babag, Lapu-Lapu City.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Paterno L Domondon Jr., Force Commander ng RMFB 7, ang suspek na si alyas “Hiyong”, 22-anyos na residente ng Purok Nangka Lumoy, Kinalumsan, Barangay Gun-ob, Lapu-Lapu City, Cebu.
Bandang 1:26 ng madaling araw ng isinagawa ng mga kapulisan ang operasyon na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 (Child Abuse Law).
Ang matagumpay na pagkaaresto ng suspek ay binibigyang-diin ang hindi matitinag na dedikasyon ng RMFB 7 at Police Station 3, LCPO sa pagtataguyod ng batas at pagtiyak ng hustisya.
Source: RMFB 7



