Community Outreach Program para sa mga Senior Citizen, isinagawa ng Pangasinan 1st PMFC sa Alaminos City

0
81

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-31 Police Community Relations (PCR) Month, nagsagawa ang Pangasinan 1st Provincial Mobile Force Company (1st PMFC), sa pamumuno ni PLtCol Leonard C. Paredes, Force Commander, ng isang gift-giving activity para sa mga piling senior citizen sa Lungsod ng Alaminos noong Hulyo 11, 2026.

Isinagawa ang programa sa Barangay Hall ng Brgy. Palamis sa tulong at suporta ni Punong Barangay Corazon Magno. Naging matagumpay ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng 1st PMFC Advisory Council, mga tauhan ng Pangasinan 1st PMFC, at iba pang katuwang na organisasyon na nagkaisa upang maipakita ang malasakit at higit pang mapatatag ang ugnayan ng kapulisan at komunidad.

Tampok sa programa ang mga mensahe nina Mr. Armando Oposculo, Head ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA); Mr. Marx Lenen De Dios, miyembro ng 1st PMFC Advisory Council; Atty. Geraldine Jaquias, Chairwoman ng 1st PMFC Advisory Council; Hon. Loverly Bernabe Paredes, SK Federation President; at PLtCol Leonard C. Paredes. Sa kanilang mga mensahe, binigyang-diin nila ang kahalagahan ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga senior citizen bilang mga haligi ng komunidad na malaki ang naging ambag sa pag-unlad ng lipunan.

Ipinakita ng naturang aktibidad ang patuloy na dedikasyon ng Pangasinan 1st PMFC sa paghahatid ng serbisyong may malasakit at pagpapatibay ng matatag na ugnayan sa komunidad. Sa pamamagitan ng mga gawaing tulad nito, higit na naisasabuhay ang diwa ng Police Community Relations at ang adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” kung saan ang kapulisan ay nananatiling katuwang ng mamamayan sa pagtataguyod ng isang ligtas, mapayapa, at maunlad na pamayanan.

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: 1st PMFC Pangasinan

Leave a Reply