Carnapper, arestado ng Baliwag PNP; Motorsiklo, nabawi

0
47

Arestado ang isang carnapper ng mga operatiba ng Baliwag City Police Station matapos ninakaw ang motorsiklo sa Mulawin Matanda, Brgy. Tarcan, City of Baliwag, Bulacan noong Hulyo 10, 2026.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Eisbon L Llamasares, Acting Chief of Police ng Baliwag CPS, kinilala ang naarestong suspek na si alias Leo, 38 taong gulang, residente ng Sitio Pinagsikapan, Brgy. Tarcan Mulawin, Baliwag City.

Nabatid na tinangay ng suspek ang isang Yamaha Mio Fazzio 125 na nakaparada sa labas ng establisimyento habang kumakain ang biktima. Napansin ng asawa ng biktima ang suspek na paalis na sakay ng motorsiklo, dahilan upang agad siyang habulin ng biktima at mga saksi hanggang sa matagumpay itong maaresto.

Kasong paglabag sa Republic Act No. 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016 ang kakaharapin ng suspek.

Patuloy na pinaigting ng Bulacan Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Jay B Baybayan, Acting Provincial Director, ang kampanya laban sa mga krimeng may kaugnayan sa pagnanakaw ng sasakyan at iba pang uri ng kriminalidad upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng mamamayan sa lalawigan ng Bulacan.

Leave a Reply