Nagsagawa ang Silay Component City Police Station ng Community Outreach Program bilang parte ng pakikipag-ugnayan sa komunidad na isinagawa sa Hacienda Puyas, Silay City, Negros Occidental nito lamang ika-22 ng Mayo 2024.
Ibinahagi ng kapulisan ang iba’t ibang serbisyong pampubliko, kabilang ang pamamahagi ng libreng bigas, relief goods, libreng ice cream at karagdagang kaalaman hinggil sa mga paraan at dapat gawin para makaiwas na maging biktima ng krimen.

Ayon sa mga residente ng nasabing lugar, malaking tulong ang programang ito sa kanilang komunidad, lalo na sa mga pamilyang nangangailangan. Ito ay nagbigay ng kalinawan at kaalaman kung paano mapapanatili ang kaligtasan at kaayusan ng kanilang lugar.
Ang inisyatibang ito ng Silay Component City Police Station ay nagpapakita ng kanilang dedikasyon na maghatid ng serbisyong pampubliko at mapalapit sa komunidad.
Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, hindi lamang naipapakita ng kapulisan ang kanilang malasakit sa mga residente, kundi naitataguyod din ang tiwala at kooperasyon na mahalaga sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lugar.
Source: PCADG WESTERN VISAYAS
Panulat ni Justine



