Wanted person sa kasong Attempted Murder, arestado ng Balungao PNP

0
647

Walang kawala ang isang wanted person na may kasong Attempted Murder matapos itong maaresto ng Balungao PNP sa Barangay Barangobong, Tayug, Pangasinan bandang 2:30 ng hapon ng ika-21 ng Mayo 2024.

Kinilala ni Police Major Jmmy P Paningbatan, hepe ng Balungao PNP, ang suspek na si Dick, 58 taong gulang, at residente ng Barangay Barangobong, Tayug, Pangasinan.

Ayon kay Police Major Paningbatan, nahaharap ang suspek sa kasong Attempted Murder na may Php120,000 na kaukulang piyansa.

Samantala, nangangako naman ang Balungao PNP na patuloy nilang gagampanan ang kanilang tungkulin at sinisigurado nila na walang makakalusot sa batas upang mapanatiling ligtas at malayo sa kapahamakan ang mamamayan tungo sa Bagong Pilipinas.

Source: Balungao Municipal Police Station

Panulat ni Patrolman Viljon Comilang