Nakumpiska ng Lapu-Lapu City PNP ang Php340K halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Sitio Upper Mustang, Barangay Pusok, Lapu-Lapu City, Cebu, noong ika-22 ng Mayo 2024.
Kinilala ni Police Captain Abraham B Igot, hepe ng City Drug Enforcement Unit, Lapu-Lapu City Police Office, ang suspek na si “Budo”, 35-anyos at residente ng Purok Sambag, Barangay Canjulao, Lapu-Lapu City, Cebu.
Ayon kay PCpt Igot, bandang 6:11 ng hapon ng ikinasa ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek at pagkasabat ng tatlong plastic sachets at anim na plastic packs ng hinihinalang shabu na may timbang na 50 gramo at may Standard Drug Price na Php340,000, isang pouch at buy-bust money.
Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng pinagsanib-pwersa ng kapulisan ng CDEU, City Intelligence Unit at Regional Intelligence Division 7.
Ang suspek ay mahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Lapu-Lapu City PNP ay patuloy sa pagpapaigting ng kanilang kampanya kontra ilegal na droga upang tuluyang masugpo ang ipinagbabawal na droga, dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng pulis, ligtas ka.
Source: LCPO SR
Panulat ni Pat Grace P Coligado



