Pinangunahan ng mga tauhan ng Davao City Police Office ang Community Outreach Program at Clean-up Drive bilang bahagi ng pagdiriwang ng Police Community Relations (PCR) Month noong Hulyo 12, 2026 sa Boys Town, Maa, Davao City.
Ang aktibidad ay naging posible sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Peter Bauzon Madria, City Director ng Davao City Police Office, at sa patnubay ni Police Major Jake C. Goles, katuwang ang mga tauhan ng Police Station 16–Maa at ang Davao City Police Office Force Multipliers.
Nagkaisa ang mga pulis, Force Multipliers, volunteers at iba’t ibang community partners sa layuning mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran, maisulong ang boluntaryong paglilingkod, at higit pang mapatatag ang ugnayan sa pagitan ng kapulisan at komunidad.
Sa pamamagitan ng clean-up drive at iba pang gawaing pangkomunidad, ipinapakita ang kahalagahan ng pagtutulungan ng lahat ng sektor sa pagpapanatili ng isang malinis, ligtas, at maayos na pamayanan.
Binigyang-diin din ng mga kalahok na ang paglilingkod sa komunidad ay isang sama-samang responsibilidad. Sa pamamagitan ng pagkakaisa at aktibong pakikilahok ng bawat isa, patuloy na naipapakita na ang pagtutulungan ay susi sa pagbuo ng isang mas malinis, mas ligtas, at mas matatag na Davao City.



