3 indibidwal, arestado habang nagpa-pot session; Hinihinalang shabu at baril, nakumpiska sa Kabacan Cotabato

0
33

Arestado ang tatlong indibidwal sa isinagawang anti-illegal drugs operation ng pulisya sa Purok Lagundungan, Barangay Magatos, Kabacan, Cotabato noong Hulyo 15, 2026.

Ayon kay Police Colonel Ramel B Hojilla, Provincial Director ng Cotabato Police Provincial Office, nakatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen hinggil sa pot session sa lugar. Agad namang rumesponde ang mga operatiba ng Kabacan Municipal Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlong suspek.

Nasamsam sa naturang operasyon mula sa mga suspek ang isang kalibre .38 revolver na may tatlong bala, tatlong sachets ng hinihinalang shabu, at iba’t ibang drug paraphernalia. Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 21 ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Samantala, muling nanawagan ang Cotabato PNP sa publiko na patuloy na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng agarang pag-uulat ng mga ilegal na aktibidad upang higit pang mapalakas ang kampanya laban sa ilegal na droga at mga loose firearms at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad na layunin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply