Davao City PNP, nakamit ang 2nd Place sa 1st Security Cluster and Partnership Stakeholders Fellowship Shoot 2026

0
63

Nakamit ng Davao City Police Office sa pangunguna ni Police Colonel Peter B. Madria, City Director, ang 2nd Place sa isinagawang 1st Security Cluster and Partner Stakeholders Fellowship Shoot 2026 noong Hulyo 11, 2026 sa 1003rd Brigade Shooting Range, Malagos, Calinan, Davao City.

Kasama ni PCol Madria sa nasabing aktibidad sina Police Lieutenant Colonel Daisy Torres, Police Major Bernie Suaga, Police Captain Narciso Potot, at Police Corporal Lucky Parate ng Davao City Police Station 9-Tugbok.

Dumalo rin sa aktibidad sina Brig. Gen. Christopher M. Diaz, Commander ng Philippine Army’s 1003rd Infantry (Raptor) Brigade; Col. Rodrigo Mariñas Jr., Commander ng Task Force Davao; PLtCol Angel B. Sumagaysay (Ret.), Officer-in-Charge ng PSSO; gayundin ang iba pang mga pinuno ng iba’t ibang departamento ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Davao.

Sa pagtatapos ng kompetisyon, nasungkit ng Team DCPO ang 2nd Place sa Team vs. Team Category, habang itinanghal namang Overall Champion si PCpl Lucky Parate ng Police Station 9 – Tugbok sa Man vs. Man Category, na nagpamalas ng husay, disiplina, at kahandaan ng mga tauhan ng kapulisan sa larangan ng marksmanship.

Ang tagumpay na ito ay sumasalamin sa patuloy na pagsisikap ng Davao City Police Office na paigtingin hindi lamang ang kakayahan ng mga tauhan nito, kundi maging ang matibay na ugnayan sa iba pang law enforcement agencies, militar, at mga katuwang na institusyon sa pagsusulong ng ligtas at mapayapang komunidad na layunin ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply