Community at service-oriented policing pinaigting ng PRO12; Opening ng PCADC, isinagawa sa GenSan

0
30

Pormal na isinagawa ang pagsisimula ng 45-Day Police Community Affairs Development Course (PCADC) sa Duterte Hall, Camp General Paulino Santos, Police Regional Office 12, Tambler, General Santos City noong Agosto 24, 2026.

Dumalo sa Opening Ceremony si Police Brigadier General Melvin G Napiloy, Deputy Regional Director for Administration ng Police Regional Office 12 bilang Guest of Honor and Speaker.

Layunin ng PCADC na higit na mapaunlad ang kaalaman, kasanayan, at pagpapahalaga ng mga police officer na kinakailangan sa epektibong pamumuno at pagpapatupad ng community at service-oriented policing initiatives.

Nakatuon din ang kurso sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga kalahok na makipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor ng komunidad, bumuo ng tiwala ng publiko, at magtaguyod ng mas matatag na ugnayan sa pagitan ng kapulisan at mamamayan.

Sa pamamagitan ng naturang pagsasanay, inaasahang mas magiging handa ang mga kalahok sa pagbuo at pagpapatupad ng mga programang tumutugon sa pangangailangan ng komunidad at nagsusulong ng kapayapaan, kaligtasan, at seguridad.

Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng PRO 12 na palakasin ang kakayahan ng mga tauhan nito at maisulong ang isang mas epektibo, makatao, at community-oriented na serbisyo ng kapulisan.

Leave a Reply