Clearing Operations, ipinatupad ng PNP kasunod ng Bagyong Opong

0
746

Kaliwa’t kanang Clearing Operations ang masusing ipinatupad ng Philippine National Police (PNP) matapos ang pananalasa ni Bagyong Opong sa iba’t ibang bahagi ng bansa nito lamang Setyembre 26, 2025.

Ito ay bilang pakikiisa sa direktiba ni President Ferdinand R. Marcos Jr., na bigyang prayoridad ang pagbangon ng mga residenteng nasalanta ng nasabing bagyo.

Nanguna ang iba’t ibang police units sa pagsasagawa ng clearing operations sa mga pangunahing kalsada, pag-aayos ng mga natumbang poste, at maging sa pagbibigay suporta sa mga residenteng pansamantalang naninirahan sa mga evacuation centers.

“Our teams on the ground are working around the clock to reopen vital roads, assist displaced families, and keep every neighborhood secure. We will do everything possible to restore access and safeguard communities until full recovery is achieved,” saad ni Acting Chief PNP, PLtGen Jose Melencio C. Nartatez Jr.

Ayon naman kay PNP Spokesperson and Public Information Office Chief, PBGen Randulf T. Tuaño: “Our police officers are not only keeping the roads safe, they are also extending a helping hand to evacuees and residents who need immediate assistance. We urge everyone to remain cautious and to coordinate with local authorities while recovery efforts continue.”

Patuloy namang pinaaalalahanan ng PNP ang publiko na manatiling alerto at ugaliing sumunod sa mga local advisories at agad na ireport sa mga awtoridad sakaling magkaroon ng mga hindi inaasahang pangyayari sa panahon ng sakuna.