Altavas PNP, nagbigay seguridad sa pamamahagi ng Relief Goods sa mga evacuees

0
485

Nagbigay ng seguridad at tulong ang Altavas Municipal Police Station sa pamamahagi ng relief goods para sa mga evacuees mula sa Barangay Cabugao, Dalipdip, at Ginican sa bayan ng Altavas, Aklan nito lamang ika-27 ng Setyembre 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Altavas sa pangunguna ni Mayor Hon. Denny D. Refol Sr., katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Layunin ng naturang operasyon na maihatid ang agarang tulong sa mga residenteng naapektuhan ng nagdaang kalamidad. Ilan sa mga benepisyaryo ay kasalukuyang nasa evacuation centers at nangangailangan ng pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain at iba pang gamit.

Sa ilalim ng pamumuno ni PCpt Jover G Ponghon, Acting Chief of Police (ACOP), Altavas MPS, nakaposisyon ang mga tauhan ng Altavas PNP upang tiyakin ang maayos na daloy ng distribusyon.

Naging responsable rin ang kapulisan sa pagpapanatili ng seguridad sa lugar upang matiyak na ligtas at maayos na natanggap ng mga evacuees ang kanilang ayuda.

Sa matagumpay na isinagawang relief distribution, muling ipinakita ng PNP Altavas ang kanilang malasakit at kahandaang magsilbi sa komunidad.

Pinatunayan ng kanilang presensya na katuwang ng sambayanan ang kapulisan sa pagbibigay-proteksyon at tulong lalo na sa panahon ng sakuna.

Source: ALTAVAS MPS FB PAGE

Panulat ni Pat Justine Mae Jallores