Boat Handling and Life-Saving Techniques Training, isinagawa ng SWAT Team RMFB 1

0
352

Nagsagawa ng Boat Handling and Life-Saving Techniques Training ang SWAT Team ng Technical Support Company (TSC), Regional Mobile Force Battalion 1 (RMFB 1) kahapon, Mayo 20, 2026, sa Poro Point, San Fernando City, La Union.

Pinangunahan ni Police Senior Master Sergeant Eduardo C. Mina Jr. ang naturang aktibidad sa ilalim ng pangangasiwa ni PMaj Reynante G. Bibat, Company Commander.

Kabilang sa isinagawang training ang wastong pagmamaniobra ng bangka, water rescue techniques, at iba’t ibang life-saving measures upang matiyak ang kahandaan ng mga tauhan sa maritime at disaster response operations.

Layunin ng pagsasanay na mapahusay ang kahandaan, kasanayan sa water safety, at mabilis na pagtugon ng mga operatiba sa mga insidente at sakunang may kinalaman sa katubigan upang higit pang mapalakas ang kakayahan ng kanilang mga tauhan sa waterborne operations at rescue response.

Patuloy namang pinaiigting ng RMFB 1 ang pagsasanay sa kanilang hanay upang masiguro ang mas episyente at maagap na serbisyo para sa kaligtasan ng publiko.

Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

Source: RMFB 1

Leave a Reply