Arestado ang Top 1 Municipal Most Wanted Person sa bisa ng warrant of arrest noong Mayo 20, 2026 sa Brgy. Maravilla, Mangatarem, Pangasinan.
Kinilala ang naaresto na si alyas “Seph,” 43-anyos, may asawa, walang trabaho, at residente ng Brgy. Caviernesan, Mangatarem, Pangasinan.
Inaresto ang suspek sa mga kasong 2 counts of Qualified Rape of a Minor at 2 counts of Sexual Assault sa ilalim ng Revised Penal Code na inamyendahan ng Republic Act 8353 at Republic Act 11648.
Ang warrant ay inilabas noong Mayo 13, 2026 at nilagdaan ni Hon. Rene Deveza Natividad ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 107, Los Baños City, Laguna. Naitala rin sa pamamagitan ng body-worn cameras ang pagsisilbi ng warrant bilang pagsunod sa alituntunin ng Korte Suprema hinggil sa paggamit ng body-worn cameras sa pagpapatupad ng mga warrant of arrest.
Patuloy naman ang Philippine National Police sa pinaigting nitong kampanya laban sa kriminalidad upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng pamayanan tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan
Source: Mangatarem MPS



