Bilang bahagi ng kahandaan sa paparating na bagyong “Crising,” nagsagawa ng bayanihang pagtutulungan ang mga tauhan ng Sabtang Municipal Police Station (MPS), Batanes Police Provincial Office (BPPO) noong Hulyo 18, 2025.
Ang Bayanihan o yaru ay naging matagumpay sa pakikiisa sa mga lokal na mangingisda at may-ari ng bangkang de-motor kung saan nagbigay ng manpower assistance ang kapulisan sa paghila at pagsasaayos ng mga fishing boats at motorized vessels pabalik sa baybayin upang maiwasan ang posibleng pinsala dulot ng malalakas na alon at masamang panahon.
Ang inisyatibong ito ay sumasalamin sa aktibong partisipasyon ng PNP sa mga gawaing pangkomunidad, partikular sa panahon ng sakuna.

Katuwang ang mamamayan, ipinamalas ng Sabtang MPS ang diwa ng “Bayanihan” o “Yaru”, isang kultura ng pagtutulungan na matagal nang isinasabuhay ng mga Ivatan sa tuwing may banta sa kaligtasan.
Patunay lamang ito na ang kapulisan ay nananatili sa kanilang tungkulin at hindi lamang nakatuon sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan, kundi maging sa pagbibigay-serbisyo at pag-aaruga sa kapakanan ng kanilang nasasakupan sa anumang paraan lalo na sa panahon ng kalamidad.
Source: Sabtang PS
Panulat ni PSSg Jeff John Nabasa



