Matagumpay na isinagawa ng mga tauhan ng Sabtang Municipal Police Station sa ilalim ng Batanes Police Provincial Office ang road clearing operations sa Sitio Tiñan, Barangay Chavayan, Sabtang, Batanes ngayong araw, Hulyo 19, 2025.
Pinagunahan ito ng Sabtang MPS kasama ang iba’t ibang ahensya mula sa MDRRMO Sabtang, DPWH, Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), katuwang si Hon. Teresita C. Neyala sa Bayan ng Sabtang.
Ang nasabing hakbang ay agarang tugon sa insidente ng pagguho ng mga bato o rockfall na dulot ng pananalasa ng Bagyong “Crising” sa nasabing lugar.

Nalinis at nadaraanan na muli ang apektadong kalsada subalit pinapayuhan pa rin ang publiko, lalo na ang mga motorista, na mag-ingat sa pagdaan sa lugar dahil sa banta ng posibleng karagdagang pagbagsak ng mga debris mula sa bundok.
Ang kapulisan ng valleycops ay patuloy sa pagsasagawa ng mga ganitong operasyon katuwang ang iba’t ibang ahensya para sa pagpapanatili ng kaligtasan at bilang bahagi ng mas pinatibay na PNP disaster response efforts sa panahon ng kalamidad.
Source: Sabtang PS
Panulat ni PSSg Jeff John Nabasa



