PNP Santa Teresita, nakiisa sa pamamahagi ng relief goods para sa mga apektado ng bagyong Crising

0
1355

Sa patuloy na pagseserbisyo sa mamamayan, nakiisa ang mga kapulisan ng Santa Teresita Municipal Police Station sa pamamahagi ng tulong para sa mga kababayang lubhang naapektuhan ng pananalasa ng Tropical Depression Crising sa Barangay Dungeg, Santa Teresita, Cagayan nito lamang Hulyo 18, 2025.

Pinangunahan ni PEMS Genalyn Rapanan, Desk Officer PNCO, ang partisipasyon ng mga PNP personnel mula sa Santa Teresita Police Station sa nasabing aktibidad na isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Santa Teresita katuwang ang Legislative Office sa pamumuno ni Municipal Vice Mayor Engr. Ruben Fagela, mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at mga opisyal ng Barangay Dungeg.

Layunin ng aktibidad na maipahatid ang agarang tulong at suporta sa mga pamilyang naapektuhan ng nasabing kalamidad bilang tugon ng pamahalaan sa mga sakuna.

Ang aktibong partisipasyon ng PNP Santa Teresita ay patunay ng malasakit at pagtugon ng kapulisan hindi lamang sa usapin ng seguridad kundi maging sa panahon ng krisis at sakuna ay handang maglingkod sa tungkulin anumang oras at panahon.

Source: Sta Teresita PS

Panulat ni PSSg Jeff John Nabasa