Matagumpay na isinuko ng isang Barangay Captain ang anim na hindi lisensyadong baril sa mga kapulisan ng Police Regional Office 6 (PRO6) sa pamamagitan ng San Joaquin Municipal Police Station (MPS) nito lamang April 23, 2026 sa San Joaquin, Iloilo.
Kabilang sa mga isinuko ng nasabing barangay official ang limang kalibre .38 short revolver at isa na 5.56 mm improvised break-type short firearm, na pawang walang mga serial numbers.
Pinuri naman ni Police Brigadier General Josefino D Ligan, Regional Director ng PRO6, ang mga kapulisan sa patuloy na pagpapatupad ng nasabing inisyatiba upang mahikayat ang iba pang mga indibidwal na isuko ang kanilang mga ilegal na baril.
“This voluntary surrender highlights the growing trust and cooperation between our communities and the police. We encourage other firearm holders to follow this example and either surrender unlicensed firearms or ensure their proper registration. Our collective efforts are crucial in maintaining peace and order,” saad pa ni PBGen Ligan.
Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng San Joaquin MPS ang mga isinuko na baril para sa karagdagang mga dokumentasyon at tamang disposisyon.



