Top 1 Most Wanted ng MPD, naaresto sa Aklan matapos ang 21 taong pagtatago

0
497
Screenshot

Naaresto ng mga kapulisan sa Aklan ang Top 1 Most Wanted Person ng Manila Police District (MPD) matapos ang 21 taong pagtatago nito lamang April 24, 2026 sa Brgy. Poblacion, New Washington, Aklan.

Kinilala ni PBGen Josefino D Ligan, Regional Director ng PRO6, ang suspek sa alyas na “Berto,” 56 years old, isang Barangay Kagawad at residente ng Malinao, Aklan,

Inaresto si Berto sa bisa ng isang warrant of arrest na inisyu noong October 25, 2007 ng Regional Trial Court of Manila, Branch 07, National Capital Judicial Region, nang walang piyansang inirekomenda.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang suspek ay dating nanirahan sa Sta. Cruz, Manila, kung saan niya ginawa ang krimen noong 2005 bago pa man siya lumipat sa Aklan.

Ang pag-aresto sa suspek ay resulta ng isang buwang monitoring at intelligence operations ng pulisya sa pangunguna ng 1st Aklan Provincial Mobile Force Company, katuwang ang New Washington Municipal Police Station, Provincial Investigation and Detection Management Unit (PIDMU) Aklan Tracker Team, Provincial Intelligence Unit Aklan, Regional Intelligence Unit 6, Provincial Intelligence Team-Aklan, at Aklan Maritime Police Station.

“I commend our personnel for a job well done. Despite the length of time the suspect managed to evade authorities, our collective efforts ensured his eventual arrest and the opportunity to finally serve justice to the victim. Kaya’t sa mga may nagawang kasalanan, lagi naming paalala: kahit saan ka pang lupalop magtago, hahanapin at hahabulin ka pa rin ng batas,”pagbibigay-puri pa ni PBGen Ligan.

“We continue to urge the public to remain vigilant and to report any suspicious persons or activities in their communities,” dagdag pa niya.

Leave a Reply