SILG at CPNP, personal na nagbigay-pugay kay PMSg Galvez

0
1129

Personal na nagbigay pugay si Secretary of the Interior and Local Government (SILG), Hon. Juanito Victor C. Remulla Jr., kasama sina PGen Jose Melencio C Nartatez Jr., Chief,PNP; at si PBGen Arnold Thomas C Ibay, Regional Director ng Police Regional Office Negros Island Region (PRO-NIR); sa lamay ni PMSg Romulo B Galvez Jr.,nito lamang April 24, 2026, bilang pagkilala sa kabayanihan ng nasawing pulis alinsunod sa tawag ng tungkulin.

Kasama rin nilang bumisita sina Hon. Greg G. Gasataya, Mayor ng Bacolod City, at Hon. Marina Javellana-Yao, Mayor ng Bago City, na nagpaabot din ng kanilang personal na pakikiramay.

Binigyang-diin ni Secretary Remulla ang katapangang ipinamalas ni PMSg Galvez na maituturing aniya na hindi matatawarang serbisyo para sa bayan. Dagdag pa niya na nagkakaisa ang bansa sa pagbibigay-pugay sa nasawing pulis para mabigyang proteksyon at masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan.

Tiniyak naman ng kalihim na mabibigyan ng nararapat na suporta ng pamahalaan ang mga naiwang pamilya ng nasawing pulis lalo na sa panahon ng kanilang pagluluksa.

Samantala, siniguro rin ng PNP sa ilalim ng pamumuno ni PGen Nartatez na magpapatuloy pa rin ang Pambansang Pulisya sa mas pinaigting na kampanya kontra sa lahat ng uri ng krimen partikular na sa ilegal na droga upang masiguro ang kaligtasan ng lahat ng mamamayan.

Leave a Reply