Babaeng pasahero na may dalang improvised na baril, timbog ng PNP AVSEGROUP sa NAIA

0
1115

Timbog ang isang 40 anyos na may dalang improvised na baril ng mga tauhan ng PNP Aviation and Security Group at Office for Transportation Security sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2, Pasay City nito lamang Lunes ng umaga, Hulyo 7, 2025. 

Kinilala ni Police Brigadier General Jason L Capoy, Acting Director ng PNP Aviation Security Group, ang suspek na isang babae at patungo sana sa Cotabato at nahaharap sa kasong Republic Act 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

Napag-alaman na sa X-ray procedure ng mga OTS Screening Officers, na detect ang naturang bagay na nakabalot sa plastic at kalaunan ay nadiskubre ang isang improvised na baril na isang .22-caliber ammunition at walang maipakita na kaukulang dokumento ang suspek kaya agad itong inaresto ng pulisya.

“Our top priority is ensuring a safe and secure airport environment for all. We call on everyone to strictly follow airport security measures, as we will not tolerate any act that endangers the safety and security of our passengers, personnel, and stakeholders,” ani PBGen Capoy.

Source: PNP Aviation and Security Group

Panulat ni PMSg Grace Ortiz