Matagumpay na isinagawa ang send-off ceremony ng Revitalized-Pulis Sa Barangay (R-PSB) Team sa Multi-purpose Hall ng Isabela PPO, Baligatan, Lungsod ng Ilagan, Isabela umaga nitong ika-9 ng Hulyo, 2025.
Pinangunahan ni PLtCol Genesis C. Cabacungan, Deputy Provincial Director for Operations (DPDO), katuwang sina PLtCol Jomar F. Julian, Chief ng PCADU; PMaj Francis Pattad, Force Commander ng 1st Isabela PMFC; at mga opisyal ng Barangay San Vicente, San Pablo, Isabela. Pinamumunuan ni PCpt Loreto M. Mascariñas Jr., Assistant Force Commander 1st Isabela PMFC, ang ipinadalang R-PSB Team ang nasabing aktibidad.

Layunin nitong paigtingin ang community policing at masigurong ligtas ang kapaligiran alinsunod sa mandato ng Executive Order No. 70 o ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ang hakbang na ito ay bahagi ng mas pinaigting na kampanya ng PNP sa ilalim ng Bagong Pilipinas, upang palakasin ang ugnayan ng kapulisan at komunidad, mapanatili ang kaayusan, at mapigilan ang banta ng insurhensiya sa pamamagitan ng presensya at aktibong serbisyo ng mga pulis sa ibat-ibang mga barangay sa lalawigan.
Source: PNP Isabela



