Arms cache, narekober ng NEPPO 2nd PMFC sa Pantabangan, Nueva Ecija

0
178

Matagumpay na narekober ng mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) ang isang arms cache sa isinagawang Minor Internal Security Operation (ISO) sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Cambitala, Pantabangan, Nueva Ecija, nitong Agosto 20, 2026.

Dakong alas-11:30 ng umaga nang matagpuan ng mga tauhan ng 2nd PMFC, sa pangunguna ni PCpt Pepe H. Alindayo Jr. at sa superbisyon ni PLtCol Santi Frey D.C. Lorenzo, ang isang barrel ng M14 rifle, isang rifle grenade, dalawang 40mm training RG, 22 piraso ng caliber 7.62 live ammunition, 20 piraso ng caliber 5.56 live ammunition, dalawang magazine ng caliber 5.56, isang 9V battery at isang piraso ng stranded wire.

Naging mahalaga sa operasyon ang impormasyong ibinahagi ni alyas “Ka Jerry,” dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa ilalim ng Arcadio Peralta Command, na dati nang sumuko sa pamahalaan. Naging posible ang pagkakatuklas sa arms cache dahil sa patuloy na debriefing sa kanya, na nagpapakita ng kahalagahan ng mga programang naghihikayat sa mga dating kasapi ng armadong grupo na magbalik-loob sa pamahalaan.

Isinagawa ang operasyon sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang police at military support units, kabilang ang 1st PMFC-NEPPO, mga himpilan ng pulisya sa mga kalapit na bayan, PIU-NEPPO, NEPECU, 303rd MC RMFB3, 48th IB, 7ID, Philippine Army at 21SAC-2SAB. Humingi rin ng tulong sa NEPECU para sa ligtas na paghawak at disposal ng mga nakuhang explosive materials, bilang bahagi ng masusing hakbang ng PNP upang mapanatili ang seguridad ng komunidad—kaakibat ng paninindigang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: NEPPO 2nd PMFC (https://www.facebook.com/share/1RZKdgzjNV/?mibextid=wwXIfr)

Leave a Reply