Agusan del Norte PPO, pinagtibay ang ugnayan sa komunidad sa pamamagitan ng Community Outreach Program

0
107

Pinatibay ang ugnayan sa komunidad ng mga tauhan ng Agusan del Norte Police Provincial Office sa pamamagitan ng Community Outreach Program sa ilalim ng liderato ni Police Colonel Ruel M. Cagape, Acting Provincial Director, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-31 Police Community Relations (PCR) Month sa Sitio Zapanta Valley, Barangay Bangayan, Kitcharao, Agusan del Norte noong Hulyo 14, 2026.

Naghandog ng libreng gupit, paggamot laban sa kuto, magic show, pagtatanghal ng mascot ng Agusan del Norte PPO, feeding program, libreng konsultasyong medikal at dental, pamamahagi ng food packs, at pamimigay ng libreng gamot ang kapulisan.

Samantala, nagkaloob din ang Rotary Club of Midtown Butuan, sa pangunguna ni Ms. Marites Salise, ng mga wheelchair sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Ang ganitong uri ng aktibidad ay patunay ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng kapulisan sa mamamayan upang mapalakas ang bayanihan at pagkakaisa sa komunidad, lalo na sa mga sektor na higit na nangangailangan ng suporta.

Patuloy namang magsasagawa ang Agusan del Norte PNP ng mga makabuluhang programang pangkomunidad bilang bahagi ng kanilang tungkulin na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan habang isinusulong ang maagap, makatao, at responsableng serbisyo publiko na nakabatay sa hangarin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Leave a Reply