PNP at DILG, pinatatag ang pandaigdigang ugnayan sa pagbisita sa South Korea

0
158

Pinangunahan ni PNP Chief PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang pakikilahok ng Philippine National Police (PNP) sa opisyal na pagbisita ng delegasyon ng Pilipinas sa Republic of Korea mula Hulyo 13 hanggang 15, 2026, sa pangunguna ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor C. Remulla Jr.

Layunin ng pagbisita na palakasin ang bilateral cooperation sa larangan ng public safety, law enforcement, emergency response, technological innovation, at institutional collaboration.

Bilang bahagi ng pagbisita, nakipagpulong ang delegasyon ng Pilipinas sa Korean National Police Agency (KNPA) at National Fire Agency upang matuto mula sa mga makabagong teknolohiya ng South Korea sa pagpapatupad ng batas at pagtugon sa mga emerhensiya. Kabilang dito ang mga inisyatiba sa paggamit ng advanced systems at teknolohiya para sa mas episyente at epektibong serbisyo publiko.

Noong Hulyo 14, 2026, nagsagawa sina SILG Remulla at PGen Nartatez ng courtesy call kay Hon. Yun Hojung, Minister of the Interior and Safety ng Republic of Korea, kung saan muling pinagtibay ng dalawang panig ang matibay na pagkakaibigan at kooperasyon ng Pilipinas at South Korea. Tinalakay sa pulong ang pagpapalakas ng pagtutulungan laban sa transnational criminal organizations, paggamit ng artificial intelligence at iba pang emerging technologies sa crime prevention at investigation, pagpapalawak ng information sharing, at pagharap sa mga umuusbong na hamon sa seguridad.

Binigyang-diin ng opisyal na pagbisita ang patuloy na pangako ng PNP sa makabagong pamamahala ng operasyon at technology-driven policing sa ilalim ng PNP Focused Agenda, partikular sa Enhanced Managing Police Operations. Sa pamamagitan ng mas matibay na pandaigdigang ugnayan at pakikipagtulungan, patuloy na isinusulong ng PNP ang layunin nitong makapaghatid ng mas mahusay na serbisyo publiko alinsunod sa layuning “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PNP-PIO

Leave a Reply