Aguinaldo MPS, mabilis na rumesponde sa motorcycle accident sa Ifugao

0
50

Mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Aguinaldo Municipal Police Station (MPS) matapos makatanggap ng tawag sa pamamagitan ng Unified 911 bandang alas-9:20 ng gabi noong Hulyo 18, 2026 kaugnay ng isang aksidente sa motorsiklo sa Sitio Maano, Brgy. Galonogon, Aguinaldo, Ifugao. Agad na nagtungo sa lugar ang mga rumespondeng pulis upang magsagawa ng rescue operation at tiyakin ang kaligtasan ng mga biktima.

Sa pakikipag-ugnayan sa Bureau of Fire Protection (BFP)-Aguinaldo, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), lokal na pamahalaan, at mga mamamayan, matagumpay na naialis ang tatlong biktima mula sa pinangyarihan ng insidente. Dalawa sa mga biktima ang agad na nabigyan ng kinakailangang medikal na atensyon, habang isang biktima ang nasawi sa kabila ng agarang pagsagip at pagtugon ng mga awtoridad.

Nagpaabot naman ng taos-pusong pakikiramay ang Aguinaldo MPS sa naiwang pamilya ng nasawi at panalangin para sa mabilis na paggaling ng mga nasugatan. Muli ring pinaalalahanan ng pulisya ang mga motorista na mahigpit na sumunod sa mga batas-trapiko, magsuot ng angkop na safety gear, at laging pairalin ang ibayong pag-iingat sa pagmamaneho upang maiwasan ang mga aksidente sa lansangan.

Patuloy na pinaiigting ng Philippine National Police ang maagap na pagtugon sa mga emergency at ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya upang mapangalagaan ang buhay at kaligtasan ng bawat mamamayan, alinsunod sa adbokasiyang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: Aguinaldo MPS

Leave a Reply