2nd Cagayan PMFC, nakiisa sa clean-up drive sa Ballesteros

0
62

Matagumpay na nakiisa ang mga tauhan ng 1st Mobile Force Platoon (MFP), 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company (CPMFC), sa isinagawang clean-up drive sa baybayin ng Ballesteros, Cagayan noong Hulyo 18, 2026.

Pinangunahan ni PSSg Marlon Ramos ang pakikilahok ng yunit, katuwang si Miss Philippines Earth 2026 Rina Andrea R. Delos Santos, ang Lokal na Pamahalaan ng Ballesteros sa pamumuno ni Hon. Robert H. Ogalino, Ballesteros Municipal Police Station, Bureau of Fire Protection (BFP), at mga miyembro ng komunidad.

Isinagawa ang aktibidad upang isulong ang pangangalaga sa kalikasan, mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran, itaguyod ang wastong pamamahala ng basura, at palakasin ang disiplina, pagkakaisa, at malasakit ng bawat mamamayan sa kanilang komunidad.

Patuloy na pinagtitibay ng 2nd Cagayan PMFC ang suporta nito sa mga programang pangkalikasan sa pamamagitan ng aktibong pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan at iba pang katuwang na sektor, tungo sa isang mas malinis, mas luntian, at mas maunlad na komunidad sa Cagayan.

Source: PNP 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company

Leave a Reply