Muling pinatunayan ng mga tauhan ng Police Station 1 ng Naga City Police Office ang kanilang kahandaan sa paglilingkod matapos agad na rumesponde sa isang lalaking nangangailangan ng agarang tulong medikal habang nagsasagawa ng police presence at foot patrol noong Hunyo 25, 2026, bandang alas-9:27 ng umaga.
Habang nagpapatrolya sa kanilang area of responsibility, napansin ng mga pulis ang isang indibidwal na nangangailangan ng agarang medikal na atensyon.
Agad nilang nilapitan ang biktima, nagbigay ng paunang tulong, at tiniyak na maihatid ito sa kinauukulang responders upang mabigyan ng wastong atensyong pang-medikal.
Dahil sa mabilis na pagkilos at malasakit ng mga tauhan ng Police Station 1, naagapan ang sitwasyon at nabigyan ng kinakailangang tulong ang nasabing indibidwal.
Ang insidenteng ito ay sumasalamin sa patuloy na dedikasyon ng Philippine National Police sa pagbibigay ng maagap, makatao, at responsableng serbisyo publiko, alinsunod sa layunin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Sa panulat ni PCpl Doxie Charesse C Casasos



