72 Wanted Persons, arestado sa pinaigting na manhunt operation ng PRO4A, sa loob ng 24-oras

0
52

Umabot sa 72 wanted persons ang naaresto ng Police Regional Office 4A (PRO4A) sa magkakasunod na manhunt operations sa CALABARZON sa loob lamang ng 24 oras, mula alas 6:00 ng umaga noong Setyembre 8 hanggang alas 6:00 ng umaga noong Setyembre 9, 2026, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya nito laban sa mga indibidwal na may kinakaharap na kaso.

Sa kabuuang bilang ng mga naaresto, 16 ang Most Wanted Persons (MWPs) habang 56 ang Other Wanted Persons (OWPs). Kabilang sa mga kasong kinakaharap ng ilan sa mga ito ang Rape, Acts of Lasciviousness, paglabag sa Republic Act No. 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016, at Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, bukod sa iba pang mga kasong kriminal.

Naging matagumpay ang mga pag-aresto dahil sa tuloy-tuloy na manhunt operations, maagap na pagkilos, at koordinasyon ng mga police unit sa buong rehiyon sa ilalim ng B.E.S.T. (Be Visible, Engage Immediately, Serve Together, and Transform Trust) Policing Framework ni PBGen Dominic L. Baccay, Acting Regional Director ng PRO4A.

Nasa kustodiya na ng mga arresting unit ang mga naarestong wanted persons para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon ng kanilang mga kaso. Patuloy namang paiigtingin ng PRO4A ang manhunt operations upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa CALABARZON, alinsunod sa paninindigan ng PNP na isulong ang adbokasiyang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PRO 4A (https://www.facebook.com/share/v/17st4gE5vG/)

Leave a Reply